What If?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasan na magtanong sa sarili ko kung paano kaya kung.. paano kaya kung at walang katapusang paano kaya. Paano kaya kung hindi natin nakilala 'yung mga taong nagustuhan natin at hindi tayo nagustuhan pabalik? Paano kaya kung hindi natin minahal yung mga taong hindi tayo minahal pabalik? Mas masaya kaya?

Siguro bilang isang tao, ang dami nating gustong burahin sa mga nangyari sa nakaraan natin. Na sana ginawa ko yun, na sana sinubukan ko, na sana hindi ko ginawa yun, nasaktan lang tuloy ako. Pero kung iisipin, kung hindi natin sila nakilala, nandito kaya tayo kung saan tayo naroon? Na baka nakilala natin sila kasi para maging isang leksyon.

Leksyon na kahit mahal na mahal natin ang isang tao, hindi nila tayo mamahalin ng dahil lang mahal natin sila. Na kahit nasasaktan sila dahil sa ibang tao at nagsisisigaw tayong "Nandito naman ako. Ako nalang." eh hindi magiging rason para makita nila tayo sa paraang gusto nating makita nila tayo.

Tanongin mo ang sarili mo. Paano kung habang baliw na baliw ka sa ibang tao, 'eh may taong nanghihinayang kasi hindi nila ang nakikita ang halaga mo? Paano kung may isang taong humihiling araw-araw na sana mahalin mo sila, pero hindi mo makita kasi nakatingin ka sa iba? Paano kung may nagmamahal sayo, sapat nabang rason yung para mahalin mo?

0 comments: