Reminisce ~ 10/22/12
It's already 4:30 am and I'm wide awake, trying to reminisce all the beautiful memories I had way back 2012. Hindi ko alam kung bakit mas gusto kong i-post dito, kung saan wala naman talagang makakabasa. Eh meron naman akong Tumblr kung saan may followers ako at makakabasa. Siguro ramdam ko lang na di naman na sila interesado sa mga isusulat ko. Tungkol na kasi sa buhay ko, di tulad dating puro tungkol sa love na mabentang mabenta sa madlang people. Eh wala naman akong magawa, wala nang lovelife eh. Wala nang inspiration. Hahaha! Pero minsan nakakapag sulat pa din kapag may napapanuod na movie o dahil sa kanta.Isa siguro sa highlight ng 2012 ko 'eh yung October 22, 2012. Yun yung araw na susundo ako ng kaibigan ko from Japan at syempre ang BIGBANG. Siguro sa ibang tao, shet, jologs kpop. Tao 'eh may iba't ibang opinion kaya sige lang, jologs para sainyo? well para samin, hindi. People should never let someone feel bad because of the things they like. Kasama ko non si Denden, Nadie, Icia. Hindi pa din ako makapaniwala that time na hello, makikita ko na BIGBANG. Kabado~ ang daming nangyari medyo nairita pa dahil ang tagal ni Akina and Kazumi. Ngayon pala nakaupo lang sa loob ng airport, akala nila tulad sa Japan na pwedeng makapasok sa loob ang mga taga sundo. Trololol. Buti nalang may Twitter at nag-kita kita na kami.
Uy, si Nadie, ang sexy. Miss you, girl. Kung alam mo lang kung gaano ako ka-thankful na nakilala kita nako baka magkaiyakan tayong dalawa. Uy, tapos bigla pang nag play My heaven ng BIGBANG ngayon. Ok. ;____; Naalala ko ang init init non, letche takot pa naman ako sa araw. Nakuha ko din siguro yung ugali ng hapon na slightly, mainipin. Ay, pero di siguro ugali ng hapon 'yun. Ugali lang siguro ni Papa. Hehe. Tapos at last nagkita kita na kami nila Akina and Kazumi. Oh my gas, nahihiya ako di ko sila matingnan sa mata ewan ko kung bakit. Ang awkward pero pag tapos naman non, daldal na din. Namiss ko mag Japanese!
Eto 'yung bumalaga samin pag punta namin sa Naia. My gad! VIPs! Sobrang lakas ng sigaw nila at kahit medyo inasar nila kami dahil asa magandang pwesto kami, okay lang. Ganon naman talaga kapag fan, ayaw ng may naka-angat gusto pantay pantay lang. Hahaha~ well, phvips still the best for me. At dahil nga bawal don sa pwesto namin, lumipat kami sa pwesto kung asan sila at grabe ang siksikan kaya di na kami naki-siksik. Pumunta na agad kami sa pwesto kung saan dadaan ang van na sinasakyan ng BIGBANG. Wooo~ ang init. Ayan na sila!!! Nanginginig pa ako habang hawak ko ang DSLR ko. Inaasahan kong makita si TOP for the freaking first time. But....
Nakadaan na 'yung van na wala man lang akong nakuhang litrato. Starstruck at it's finest. At syempre di ko nakita si top dahil tinted yung kotcheng sinakyan niya. Si Youngbae lang ang nakita ko pero sulit pa din lahat ng pagod, pawis, sigaw ko kasi alam kong I'm breathing the same air as BIGBANG pero yung malapitan na. Shet. Feels. Hahahaha (baliw 'eh) Meron pa ngang nadapa don na babae nakita ko siya sobrang nag dudugo yung tuhod niya pero di siya nag reklamo. Sabi niya lang "Grabe, ang gwapo gwapo talaga ni Seungri.." kahit napapangiwi siya sa sakit ng sugat niya sa tuhod. ----- At don na natapos ang pagsundo namin sa BIGBANG na sobrang kinasaya ko kahit sobrang pagod na pagod ako. Umalis na kami sa Airport at pumunta sa Mall of asia. Andon din kasi yung hotel na pags-stayan nila Akina. Kumain kami~ bumili siya ng flipflops kasi ang sakit daw ng paa niya. Hahahahahaha oh well.
Nakakahiya naman sa kutis nila. Muntik na kaming maging negra dito. Hehehe. Si Nadie oh, ganda ng bangs. Parang sa MV lang ni GD na MichiGo. Sayo niya pala nakuha 'yung idea eh. Joke. :* Cute ni Denden parang may kumukurot sa sa tagiliran niya. Hahaha at si Icia, pwede talaga siyang pang commercial ng tooth paste. Ang ganda ng smile. T__T Kainggit. ---- Pag tapos non nag hiwalay hiwalay na kami. Ang natira nalang sakin 'eh si Denden. Lagi namang si Denden. Well, tropa gang tumanda 'yan eh. Hehehe. Miss na kita gaga ka. T^T
Nag-karaoke kami with Ate at Kuya JR. Kumanta kahit sobrang pagod na. Halata naman sa shake namin, ubos agad sa sobrang pagod at uhaw. Hahaha. Eto 'yung panahon na kung tutuusin kailangan nang umuwi ni Denden dahil papagalitan siya ng Mader niya pero di niya ako matiis 'eh. :"> Letche, boypren!? Hahahahaha








0 comments: