Alien.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano 'to sisimulan. Kung dumating man 'yung panahon na mabasa mo 'to, panigurado tatawanan mo nalang. At tatawanan ko nalang. Nakakatawa man isipin, nakilala kita sa isang app sa iPhone kung saan makaka-chat mo 'yung mga taong nakatira near you. Hindi ko na nga matandaan kung sino ang naunang nag PM 'eh. Kung sakaling ako, salamat sa sarili ko. At kung sakaling Ikaw, salamat dahil piniem mo ako. Kundi dahik sayo, di tayo magkakakilala. :p

Naalala ko pa nung una, hindi naman talaga ako interesado sayo. Ewan ko. Ramdam ko kasing busy kang tao at isa lang akong paniknik sa mga oras na wala kang ginagawa kaya nakakausap mo ako. Tapos umagot sa point na tinawag mo na akong "alien" kasi nga weird ako. Diba? Diba? Hahaha. Nakakatawa man isipin pero natuwa ako... wala lang, natutuwa akong may tinatawag ka sakin at may tinatawag ako sayo. Hi, Alien!

Inaya kita sa birthday ko at pumunta ka. Nakausap kita sa personal, wala akong magawa kundi ngumiti at tumawa. Hanggang gumaan ng gumaan ang loob ko sayo, tila ba gusto ko 'eh lagi kang kausap kaso naalala ko... "Busy siyang tao. Sinisiksik ka na nga lang niya sa free time niya 'eh." pero inaamin ko, nagustuhan kita ng higit pa sa kaibigan. Ikaw kasi 'yung tipong lalake na napaka-sarap kasama. Ang dali mo akong mapatawa. Tila ba sobrang tagal na nating magkakilala.

Ayun, habang tumatagal, mas lalo kong naramdaman na walang pag-asa. Mag kaibigan lang tayo't hanggang dun nalang yun. Sobra nga akong nainis tuwing mag tetext ka, rereplyan kita at mag rereply ka ulit kaso bigla ka nalang mawawala. Tapos magugulat nalang ako, online ka pala kaya hindi kana nag reply. Don ko naramdaman na "Ah.. Wala lang talaga ako sakanya." Kasi oo, akala ko magkaibigan tayo... kaso tila ba mas mababa pa sa kaibigan ang turing at tinuring mo sakin.

Wag kang mag-alala, ngayo'y ako'y maligaya na. *u*

PS : I like your name. a lot.

0 comments: